usapang thanksgiving turkey
mamaya kaya anong meron sa opisina?!… pabo?!… dito satin deadma lang sa pabo… noon tanong ko pa nga, sigurado ba kayong nakakain yan? parang kaderder kasi. parang vulture na di nakakalipad… may kapitbahay kami non na may alagang pabo… pag dadaan ako sa kanila may dala akong bato… kasi yung pabo nilang nanghiram yata ng buhay sa pusa eh hinahabol lahat ng bagay na gumagalaw…para kang moving target pag napadaan ka sa kanila… imbis na ikaw ang magtrip sa mga alaga nilang hayop ikaw ang pagtitripan ng pabo nila…sabi nga ng mga kalaro ko “lagot ka naka red ka ikaw ang hahabulin nyan” sagot ko “ano yan baka?” pero totoo nga. ako nga ang hinabol. hindi ko naging favorite color ang red dahil don. ang saklap men. wooooooh…nung nasa convergys na ko, first time kong nakakita ng lutong pabo sa harap ko. nung una naintriga akong tikman pero pwede lang kaming mamili ng isa sa tatlong putahe. pinili ko yung buffalo wings. oo manok ang pinili ko. natutuwa akong makitang patay na ang pabong nakaka trauma. pero di ko parin sha trip tikaman. mamaya kung meron uling pabo, pipilitin kong tikmam sha. FIRST TIME. wahahaha… nag message sa BBM ang kaibigan kong nakakaalam kung meron ba o walang pabo mamaya: walang pabo mamaya. Bow. at gumuho ang mundo ko. di bale na. wala rin naman akong narinig na magandang feedback sa pabo last year. lol. happy thanksgiving sa lahat ng pinoy sa US at sa lahat ng amerikanong makakabasa nito.